Tuklasin ang mga pagpipilian sa pangangalaga sa bata at maagang edukasyon sa LA County
Alamin ang tungkol sa mga kapaligiran ng pangangalaga, maghanap ng mga programa na malapit sa iyo, at humingi ng tulong sa pagbabayad para sa pangangalaga.
-
Ang paghahanap ng pangangalaga sa bata para sa iyong pamilya ay nagsisimula dito. Ang "Pangangalaga sa Bata at "maagang edukasyon" ay parehong naglalarawan ng mga programa kung saan ang mga pamilya ay tumatanggap ng mga serbisyo sa pangangalaga ng bata at natututo ang mga bata. Nag-aalok ang LA County ng isang hanay ng mga pagpipilian upang umangkop sa mga pangangailangan ng iyong pamilya, at maaaring magamit ang tulong sa pagbabayad.
Narito kung paano magsimula:
-
Galugarin ang iyong mga pagpipilian
Pumili ng isang kapaligiran ng pangangalaga ng bata upang matuto nang higit pa tungkol sa kung ano ang maaaring pinakamahusay na gumana para sa iyong pamilya.
-
Maghanap ng mga programang malapit sa iyo
Susunod, tingnan pababa upang makahanap ng mga pagreretuhan sa pangangalaga ng bata at maagang edukasyon at mga mapagkukunan upang kumonekta sa mga nagkakaloob ng serbisyo sa iyong lugar.
-
Alamin ang tungkol sa tulong sa pagbabayad
Pagkatapos, alamin pa ang mas marami tungkol sa tulong sa pagbabayad para sa libre o murang pangangalaga sa bata at maagang edukasyon.
Mga Uri ng Pangangalaga sa Bata at mga Kapaligiran ng Maagang Edukasyon
ANO ITO
Mga lisensyadong programa kung saan ang mga serbisyo ay ipinagkakaloob ng mga tagapagturo sa maagang pagkabata sa isang kapaligiran tulad ng paaralan. Ang mga bata ay karaniwang pinagsasama batay sa grupo ng edad. Ang maramihang silid-paaralan ay pinamamahalaan ng isang direktor.ISKEDYUL
Kalahati at buong araw na mga programa.PROPORSYON NG MATANDA SA BATA
1 matanda para sa bawat 8 mga bata, depende sa uri ng programa.GASTOS
Libre, mura, at bayad na mga pagpipi
ANO ITO
Mga lisensyadong programa kung saan ang mga serbisyo ay ipinagkakaloob ng mga tagapagturo sa maagang pagkabata sa loob ng kanilang sariling tahanan. Ang mas maliit na kapaligirang ito ay naglilingkod sa mga bata ng iba’t ibang edad nang magkakasama.ISKEDYUL
Kalahati at buong araw na mga programa. Marami ang nag-aalok ng pinalawig na oras, gabi, o katapusan ng linggo.PROPORSYON NG MATATANDA SA BATA
Maliit: 1 matanda para sa bawat 8 mga bata Malaki: 2 matanda para sa 14 na mga bata.GASTOS
Libre, mura, at bayad na mga pagpipi
ANO ITO
Pangangalaga na ipinagkakaloob ng isang kamag-anak, kaibigan, o kapitbahay sa iyong tahanan o sa kanilang tahanan.ISKEDYUL
Walang itinakdang iskedyul. Maraming mga tagapag-alaga ang nag-aalok ng pinalawig na oras, gabi, o katapusan ng linggo.PROPORSYON NG MATATANDA SA BATA
Walang pormal na regulasyon. Marami ang nag-aalaga ng 1-2 bata.GASTOS
Libre, mura, at bayad na mga pagpipi
ANO ITO
Mga libreng programa, tulad ng transisyonal na kindergarten (TK), ay iniaalok ng mga pampublikong paaralang elementarya partikular na para sa mga 4 na taong gulang. Ito ay itinuturo ng guro sa paaralang elementarya. Ang mga paaralan ay maaari ring mag-alok ng mga programa para sa mga bagong panganak na mga bata hanggang sa 3 taong gulang.ISKEDYUL
Mga programang pang-kalahating araw at pang-buong araw. Ang ilang paaralan ay nag-aalok ng pangangalaga sa bata bago at pagkatapos ng klase.PROPORSYON NG MATANDA SA BATA
1 matanda para sa bawat 8 o 10 mga bata, depende sa uri ng programa.GASTOS
Ang TK ay libre para sa mga 4 na taong gulang; ang iba pang mga programa ay maaaring may libre o murang mga pagpipilian.Makipag-ugnay sa Pangangalaga sa Bata at Maagang Edukasyon Mga Pagpipilian na Malapit sa Iyo
-
Alyansa ng Tagapag-alaga ng Bata ng Los Angeles (Child Care Alliance of Los Angeles)
Ang Alyansa ng Tagapag-alaga ng Bata ng Los Angeles ay nagkakaloob sa mga magulang ng pagreretuhan ng mga programa sa pag-aalaga ng bata at maagang edukasyon sa loob ng buong LA County
KumonektaMga Pagreretuhan sa Pangangalaga sa BataMga Uri ng Pangangalaga:
Sentro ng Pangangalaga sa Bata at Maagang Edukasyon, Tahanan ng Pangangalaga ng Bata ng Pamilya, at Mga Paaralang Elementarya(888) 922-4453 (888) 922-4453 -
Tanggapan ng Edukasyon ng Los Angeles County
Ang Nagsisimula ng Maaga (Head Start) sa Tanggapan ng Edukasyon ng Los Angeles County ay nagrereto sa mga libreng programa ng maagang edukasyon para sa mga batang nasa pamilyang mababa ang kinikita mula kapanganakan hanggang 5 taong gulang.
GalugarinMga Programa sa Head StartMga Uri ng Pangangalaga:
Sentro ng Pangangalaga sa Bata at Maagang
Edukasyon(877) 773-5543 (877) 773-5543 -
Lokal na Elementaryang Paaralan
Ang mga pampublikong paaralang elementarya ay nagbibigay ng libreng transisyunal na kindergarten para sa lahat ng 4 na taong gulang, at maaari ring magkaroon ng mga programa ng maagang pag-aalaga at edukasyon para sa mas musmos na mga bata.
HANAPINPaaralan ng Iyong KapitbahayanMga Uri ng Pangangalaga:
Sentro ng Pangangalaga sa Bata at Maagang
Edukasyon at Mga Paaralang Elementarya -
Ang Plano ng Pag-aalaga sa Aking Anak (My Child Care Plan)
Ang plano ng Pag-aalaga sa Aking Anak (My Child Care plan) ay isang website na nagkakaloob sa mga pamilya ng mga pagrereto sa pag-aalaga ng bata sa loob ng buong California.
TuklasinMga Pagpipilian sa Pangangalaga ng BataMga Uri ng Pangangalaga:
Sentro ng Pangangalaga sa Bata at Maagang Edukasyon,
at Tahanan ng Pangangalaga ng Bata ng Pamilya
Maghanap ng tulong sa pagbabayad para sa libre o murang pangangalaga sa bata at maagang edukasyon
-
Tanungin kung kwalipikado ka para sa isang voucher para maipambayad sa pangangalaga sa bata
Paano makikipag-ugnayan
- Bisitahin ang www.ccala.net ng Child Care Alliance Los Angeles (CCALA) upang kumonekta sa isang ahensya ng Mapagkukunan ng Impormasyon/Tulong at Pagreretuhan (Resource and Referral) na maaaring sabihin sa iyo kung kwalipikado ka para sa isang voucher ng pagbabayad sa pangangalaga ng bata.
-
Mag-aplay sa isang lokal na sentro ng pangangalaga sa bata at maagang edukasyon
Paano makikipag-ugnayan
- Tanungin ang inyong lokal na sentro ng pangangalaga sa bata at maagang edukasyon o pangangalaga sa bata ng tahanan ng pamilya kung nag-aalok sila ng libre o murang halaga ng mga programa.
- Ang ilang libreng programa ay kinabibilangan ng Early Head Start, Head Start, Programa ng Estado ng California Bago Mag-aral (Preschool), o Pangkalatang Pangangalaga sa Bata (General Child Care).
-
Bisitahin ang iyong lokal na elementaryang paaralan
Paano makikipag-ugnayan
- Pumunta sa iyong lokal na elementaryang paaralan at magtanong kung anong mga programa para sa pangangalaga sa bata at maagang edukasyon ang iniaalok nila.
- Ang mga elementaryang paaralan sa loob ng buong Los Angeles County ay nagkakaloob ng libreng transisyonal na kindergarten o “TK” para sa mga 4 na taong gulang na mga bata.
- Ang ilang mga elementaryang paaralay ay nag-aalok rin ng mga programa para sa mga batang bagong panganak hanggang lima.
Mga Kapartner
-