Skip to content

Ang mga Pagpipilian sa Pangangalaga sa Bata (Child Care Choices) ay isang kampanya na nilikha para matulungan ang mga pamilya na maunawaan at magkaroon ng akses ang mga pagpipilian sa maagang pangangalaga at edukasyon (early care and education [ECE]) na naroroon para magamit sa loob ng buong Los Angeles County para sa mga bata mula sa kapanganakan hanggang sa edad na 12. Binuo ng Tanggapan ng Los Angeles County para sa Pagsulong ng Maagang Pangangalaga at Edukasyon (Advancement of Early Care and Education [OAECE]), sa pakikipagtulungan ng Alyansa ng Pag-aalaga sa bata (Child Care Alliance), First 5 LA, Tanggapan ng Edukasyon ng Los Angeles County (Los Angeles County Office of Education [LACOE]), at lokal na mga ahensiya ng Mapagkukunan ng Impormasyon/Tulong at Magrereto (Resource & Referral agencies), ang kampanya ay nag-aalok ng mapagkakatiwalaan at praktikal na impormasyon tungkol sa mga klase ng pangangalaga sa bata na naroron para magamit at kung paano makakuha ng tulong sa pagbabayad para dito.

Kung sinisimulan mo pa lamang ang iyong paglalakbay sa pangangalaga ng bata o nagsasaliksik ng mga bagong pagpipilian, ang mga Pagpipilian ng Pag-aalaga sa Bata (Child Care Choices) ay nagbibigay sa iyo ng impormasyong kailangan mo para makagawa ng may kumpiyansa at may sapat na kaalamang mga desisyon para sa iyong pamilya.

Para malaman pa ang mas marami tungkol sa Tanggapan para sa Pagsulong ng Maagang Pangangalaga at Edukasyon (Office for the Advancement of Early Care and Education [OAECE]), mangyaring bisitahin ang https://childcare.lacounty.gov/